Ito ay regalo sa akin ng aking kabiyak nitong nakaraang anibersaryo namin. Hindi ako karaniwang babae na mahilig sa bag, at nanghihinayang ako sa mga mamahaling bag. Kaya laking sorpresa na ito ang ibinigay niya. Natutuwa naman ako. Ito ang aking una at sana ay hindi rin naman kaisa-isang bag ( mukhang tama nga ang kasabihang pag nagkaroon ka na nito ay hahangarin mong magkaroon ng isa pa kahit alam mong matagal-tagal pa bago mo ito makakamtan)

At iyan ang aking lahok para sa Litratong Pinoy.









